BRX Highlights

  1. Welcome Remarks of Jean Henri Lhuillier

  2. Keynote Message of DOST Secretary Renato Solidum, Jr.

  3. Message of DILG Secretary Benjamin Abalos, Jr.

  4. BRX 2022 Manifesto

Ano ang BRX?

Panimula: Disaster Resilience Forum

Unang binuo ng Cebuana Lhuillier Foundation, Inc. (CLFI) ang Disaster Resilience Forum noong 2016 upang magkaroon ng plataporma ang mga eksperto sa industriya na makapagturo ng mga makabagong paraan ng pagpapatibay ng mga komunidad laban sa kalamidad at sakuna.

Noong 2017, ipinagpatuloy ng CLFI ang pamamahagi ng kaalaman hindi lang sa disaster risk financing, kundi maging sa mga patakaran at programa kung paano maging handa ang mga MSMEs (micro, small and medium enterprises), agrikultura, at high-risk na mga komunidad laban sa kalimidad.

Noong 2018, ang forum ay tumutok sa paghikayat sa lahat na lumahok – mula sa indibidwal na Pilipino hanggang sa pamilya at komunidad – sa programa ng Disaster Resilience.  

COVID-19 Pandemic

Sinubok ang galing at katatagan ng bawat bansa nang lumaganap ang impeksyon ng COVID-19, hanggang sa ito’y idineklara ng World Health Organization na isa nang global pandemic noong Marso 2020.

Wala itong pinili – mahirap man o mayaman na bansa. Pero mas nahirapan ang mga bansang hindi handa at kulang sa mapagkukunan – tulad ng Pilipinas.

Ang di-inaasahang pandemyang ito na kumitil ng maraming buhay at pumaralisa sa negosyo at kabuhayan ng mahigit apat na milyong Pilipino ay lalong nagpasidhi ng hangarin ng CLFI na ipagpatuloy ang adbokasiya nito sa Disaster Resilience.   

Maraming aral na natutunan ang pamahalaan at lider ng mga komunidad mula sa mapait na karanasang ito. May ilang komunidad na nakaisip ng mahuhusay na solusyon at diskarte sa problema. May mga teknolohiya ring nabuo ang ilang organisasyon sa epektibong pagtugon sa kalamidad, kasama na dito ang pagbangon at rehabilitasyon.  

Naniniwala ang CLFI na dapat ay walang maiwanang barangay at lahat ay matulungang makapaghanda at makabangon.

BRX: Pagpapatibay ng mga Barangay
Nagpasya ang CLFI na palawakin ang saklaw ng Disaster Resilience Forum at ibaba ito sa kung sino talaga ang apektado – ang mga barangay. 

Sa gitna ng pandemya noong Agosto 2020, binuo ng CLFI ang BRX o Barangay Resilience Exchange, sa tulong ng Ashoka Foundation, Department of Interior and Local Government (DILG) at Office of Civil Defense ng (OCD).

Ang BRX ay isang plataporma para sa mga barangay leaders kasama ng mga goverment agencies, private sector at civil society organizations kung saan pwede silang makapagpalitan ng kaalaman, inobasyon at solusyon para maging handa at mas matatag sa pagbangon ang mga komunidad sa pagharap sa mga kalamidad.

Ano ang Gustong Makamit ng BRX?

Muling nagbabalik ang BRX ngayong 2022 at ang tema ay “Ang Laging Handang Barangay, Mahusay”.
Ito ang mga layunin ng BRX Digital Conference 2022:

  • Himukin ang bawat Pilipino at mga barangay na kumilos nang maagap at maghanda sa pagbuo ng matatag na komunidad laban sa kalamidad.
  • Magbigay ng plataporma para makapagpalitan ng kaalaman at posibleng solusyon ang iba’t ibang pinuno ng barangay, lokal na pamahalaan at mga sektor na may kinalaman sa Disaster Resilience.
  • Buhayin ang “grassroots innovation” patungo sa resilience sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga “tangible” na hakbang at gabay sa paggawa ng mga makabago at epektibong solusyong para sa disaster resilience.
  • Ikonekta ang iba’t ibang stakeholder na gustong humingi ng suporta o magbigay ng suporta para sa mga community-based resilience programs upang mas mapalalim ang epekto nito.
  • Ipagpatuloy ang pag-uusap at kolaborasyon ng mga kabilang sa programa ng BRX.

Para Kanino ang BRX?

Ano ang Matutunan mo sa BRX Interactive Exchange?

  • IDEAS EXCHANGE

Mga makabagong ideya at kaalaman mula sa mga mga lider at eksperto ukol sa disaster resilience ng komunidad at ng bansa

  • PROGRAM EXCHANGE

Serye ng mga programa ukol sa community-driven innovation at resilience.

  • PANEL DISCUSSIONS

Mga makabuluhang kwento at diskurso ng mga lider at eksperto ng iba't-ibang ahensya ng gobyerno at mga organisasyon mula sa pribadong sektor kung paano mas pagtitibayin ang ugnayan para sa disaster resilience ng komunidad

  • LEARNING EXCHANGE

Serye ng pakikipagpalitan ng mga best practices mula sa mga experto upang makakuha ng mga toolkits at mga stratehiya para sa community resilience

  • ONLINE COMMUNITY

Hindi nagtatapos ang BRX sa digital conference. Kapag nakapagrehistro ka sa BRX, makakatanggap ka ng imbitasyon na sumali sa aming exclusive community sa Facebook at Viber at pwede kang kumunekta at makipagtulungan sa mga participants ng BRX 2022.

October 13: International Day for Disaster Risk Reduction

Idineklara ng United Nations General Assembly ang ika-13 ng Oktubre bilang  International Day for Disaster Risk Reduction upang itaguyod ang isang pandaigdig na kultura ng pagbabawas ng panganib sa kalamidad.

“The primary goal of disaster risk reduction is prevention. But when that is not possible, then it is important to minimize the harm to people, assets, and livelihoods through early warning systems”
( https://iddrr.undrr.org/).  

“We need end-to-end and people-centered systems which will stop the spiral of disaster destruction and contribute to a more sustainable, more resilient, and more equitable future.” – Mami Mizutori,
Special Representative of the Secretary-General for Disaster Risk Reduction and Head of UNDRR 

“Building resilience to climate change and reducing disaster risk and losses is vital to save lives and livelihoods, eradicate poverty and hunger and achieve the Sustainable Development Goals.”
António Guterres, UN Secretary-General

BRX Partners:

Like, Follow, and Share!

Contact Us

1129 Metropolitan cor. Chino Roces Ave., Makati City

© Copyright Cebuana Lhuiller Foundation, Inc.