May 192 na estudyante ng Alternative Learning System ang nag-aabang sa pagdating ng Cebuana Lhuillier Foundation bitbit ang mga learning tools na ipagkakaloob sa kanila para makatulong sa kanilang pag-aaral.

Ito ang pang-128 na ALS Center na sinusuportahan ng CLFI sa napakamakabuluhang programang ito ng Department of Education.

Dumalo sa inauguration rites na isinagawa sa Sagada Central School sina DepEd Mt. Province Schools Division Superintendent Benilda Daytaca, Executive Assistant of the Mayor, Romulo Dawilan, Jr., at Barangay Chairman Dennis Lopez.

Ibinahagi ng DepEd sa C:LFI na prioridad nilang makapagbukas ng mga bagong ALS Centers sa mas pinakamalalayong lugar tulad ng Mountain Province para walang mapag-iwanan sa pagkakaroon ng edukasyon.

Ayon kay CLFI Executive Director Jonathan Batangan, ang adbokasiya ng CLFI sa pagkakaroon ng inklusibong edukasyon ang isa sa mga ambag nila sa nation building.

Contact Us

1129 Metropolitan cor. Chino Roces Ave., Makati City

© Copyright Cebuana Lhuiller Foundation, Inc.