Good news! May ALS community learning center na sa Bantug, Roxas, Isabela.
Tuwang-tuwa ang 171 ALS learners dahil pormal nang napasinayaan ang Roxas Community Learning Center na kung saan naka-enrol sila sa alternative learning system program ng Department of Education.

Ipinagkaloob ng Cebuana Lhuillier Foundation (CLFI) ang information and communication technology tools na magagamit ng mga ALS learners sa kanilang pag-aaral.

Ito ang pang-124 na ALS center na sinuportahan ng CLFI. Marami pang naka-lineup na mga learning centers na bubuksan ang DepEd at naka-commit ang CLFI na susuportahan nila ito ng mga learning tools.

Ang CLFI team na dumalo sa masayang okasyong ito ay pinamunuan ni Jonathan Batangan, executive director ng Cebuana Lhuillier Foundation. Kasama rin sa turnover ceremonies sina Barangay Kagawad Freddie Ramos at Division ALS Supervisor Fernando Tungpalan ng DepED.

Ang isa sa pinakamahalagang adbokasiya na sinusuportahan ng CLFI ay ang pagsusulong ng inklusibong edukasyon.

 

Contact Us

1129 Metropolitan cor. Chino Roces Ave., Makati City

© Copyright Cebuana Lhuiller Foundation, Inc.