Tuloy-tuloy ang pagsuporta ng Cebuana Lhuillier Foundation sa Department of Education sa pagbubukas ng mga bagong Alternative Learning System (ALS) community learning centers sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga learning tools.
Kamakailan lang ay nagsagawa ng inauguration rites sa Poblacion, Kiangan, Ifugao at iniabot ni CLFI Executive Director Jonathan Batangan ang susi ng karunungan kina DepEd Ifugao Curriculum Implementation Division Chief Marciana Aydinan at Public Schools District Supervisor Rosa Humiwat para sa Kiangan Central School ALS CLC.
Nagbigay-pugay din ang CLFI kay Hon. Raldis Andrei Bulayungan, Vice Mayor Michelle Alice Baguilat at Hon. Barangay Captain Andres Guay upang ipaalam ang taos-pusong pagsuporta ng CLFI sa kanilang bayan para magkaroon ng edukasyon ang mga out-of-school youths at adults.
Sa kasalukuyan, may 46 na estudyanteng naka-enrol sa bagong ALS Center na ito.
Ito ang pang-127 sa mga sinusuportahang ALS Centers ng CLFI sa buong Pilipinas.