Bago dumating ang tag-ulan, tinuhog na ng Cebuana Lhuillier Foundation team ang sunod-sunod na pagtu-turnover ng mga learning tools para sa iba’t ibang ALS Learning Centers sa Northern Luzon.

Ang pang-125th na sinusuportahang ALS Center ng CLFI ay matatagpuan sa Lasam Central School sa Central 02, Lasam Cagayan.

May 243 na ALS learners ang makikinabang sa mga learning tools na ipinagkaloob ng CLFI, nang sa gayon ay hindi naman mapag-iwanan ang mga bata sa paggamit ng information at communication tools.

Dumalo sina ABC President Dominador Cortez at Division ALS Focal Person Lindo John L. Ramos sa naganap na turnover ceremonies.

Sa pangunguna ni Jonathan Batangan, Executive Director ng CLFI, nagbigay-pugay din ang buong team kay Hon. Mayor Dante Dexter A. Agatep bilang pasasalamat sa masaya nilang pagtanggap sa huli.

Like, Follow, and Share!

Contact Us

1129 Metropolitan cor. Chino Roces Ave., Makati City

© Copyright Cebuana Lhuiller Foundation, Inc.