Mula sa Naga City, nagtuloy ang CLFI ALS Caravan team sa Tughan, Juban, Sorsogon para pasinayaan ang isa pang bagong ALS Community Learning Center sa Jose G. Alindogan Elementary School.

Ang mga learning tools na ipinagkaloob ng CLFI ay makakatulong sa pagbibigay ng bagong pag-asa sa 107 ALS learners na naka-enrol sa ALS program ng DepEd.

Dumalo sa masayang pagdiriwang na ito sina Juban Mayor Gloria Alindogan; Lucy Hamor, DepEd Sorsogon (Juban) Public Schools District Supervisor; at Ruel Escote, Jose G. Alindogan Elementary School Principal.

Ayon kay CLFI Executive Director Jonathan Batangan, focused at determinado ang CLFI sa commitment nito na mapataas ang antas ng pamumuhay ng mga Pilipino sa pamamagitan ng inklusibong edukasyon.

Like, Follow, and Share!

Contact Us

1129 Metropolitan cor. Chino Roces Ave., Makati City

© Copyright Cebuana Lhuiller Foundation, Inc.