Hindi nagpapigil sa nagbabadyang pagsabog ng Mayon Volcano ang ALS Caravan Team ng Cebuana Lhuillier Foundation (CLFI) para tuparin ang commitment nitong tumulong sa Department of Education sa pagbubukas ng mga bagong ALS Centers sa Bicol Region.
Sagot ng CLFI ang learning tools ng ALS learners sa Del Rosario Community Learning Center sa Bgy. Del Rosario, Naga City. Ito ang pang-130 na ALS learning center na sinuportahan ng CLFI. May 76 learners na makikinabang sa mga learning tools na ito.
Ang symbolic na susi ng karunungan ay iniabot ni CLFI Executive Director Jonathan Batangan kay Annaliza Abuloc, Chief ng DepEd Naga Curriculum Implementation Division at Jerome Baldemoro, DepEd Naga Senior Education Program Specialist.