Ang ALS Caravan Team ng Cebuana Lhuillier Foundation ay nagtuloy-tuloy na ng biyahe sa Northern Luzon para sa turnover ng mga learning tools sa bagong bukas na ALS Multipurpose Learning Center sa Poblacion, Luna, Apayao.

Ito ang pang-126 na ALS Learning Center sa 150 na balak suporthan ng CLFI ngayong taon sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas. Ganito ka-committed ang CLFI sa pagsuporta sa pagsusulong ng alternatibong edukasyon para walang mapag-iwanang out-of-school youth at adults.

Sa panimula ay may 35 na ALS learners ang naka-rehistro sa ALS program sa Luna, Apayao. Inaasahang mas marami pang estudyante ang mag-enrol sa programang ito sa mga darating na panahon..

Dumalo sina Hon. Josephine M. Bangsil at DepEd Apayao Schools Division Superintendent Irene S. Angway sa turnover ceremonies para magpasalamat sa CLFI sa tulong na ito.

Malugod namang tinganggap ni CLFI Executive Director Jonathan Batangan ang taos-pusong pasasalamat ng mga taga-Apayao.

Contact Us

1129 Metropolitan cor. Chino Roces Ave., Makati City

© Copyright Cebuana Lhuiller Foundation, Inc.