Ginugol nila ang kanilang buong umaga sa piling ng mahigit na 50 na lolo at lola sa Golden Reception & Action Center for the Elderly & Other Special Cases (GRACES) na pinapatakbo ng Department of Social Welfare and Development.
Nakipagsayawan, kantahan, kainan at tawanan ang CLFI team kasama ng mga lolo at lola. Namigay din sila ng mga groceries, at personal hygiene kits na kailangan ng mga senior citizens.
Ayon kay Batangan, “Ako po’y lubos na natutuwa na kahit na sa ganitong simpleng pamamaraan, nakakapagbigay po tayo ng kasiyahan sa ating mga less fortunate at underpriviliged na mga mamamayan. . . Isang malaking pagkakataon para sa Cebuana Lhuillier Foundation na makapagbigay ng kahit na ganitong kaliit na kasiyahan para kahit papaano ay maibsan natin ang kanilang kalungkutan lalo na ngayong Valentine’s Day.”