Break muna, mga teachers! May bagong podcast na inilunsad ang Cebuana Lhuillier Foundation para sa mga guro mula sa formal education sector at lalo na sa mga guro ng Alternative Learning System (ALS).
Hangad ng show na “Teachers’ Break” na mas mapalakas ang kagalingan at mapangalagaan ang mental health ng mga guro.
Pag-uusapan natin ang mga hamon at tagumpay ng mga ALS teachers at iba pang educators lalo na’t maraming nagbago sa educational landscape dahil sa COVID-19 pandemic.
Ibibida natin ang kuwento ng mga guro na nagbigay ng inspirasyon at nakatulong sa pagbabago ng buhay ng mga estudyante nila at mga co-teachers.
We will also share tips and ideas on topics such as overall well-being, financial wellness, and important updates on the Alternative Learning System.
The show is hosted by Jaton Zulueta, an educator at heart, is the founder of the AHA Learning Center, a free after-school program providing low-income Filipino students with “an ecosystem of opportunity and support” to supplement their public education.
Ang Teachers’ Break ay isa lamang sa napakaraming projects ng CLFI. We support various advocacies such as education, humanitarian action, and financial inclusion. We’re on the ground, helping people through our programs.
Among our programs for education is our nationwide scholarship program and alternative learning program. To date, CLFI has helped the Department of Education in establishing 105 ALS community learning centers.
Hangad ng CLFI na mai-angat ang pamumuhay ng mga Pilipino. We believe that education can empower many out-of-school youth and adult learners to achieve that. ALS education is very inclusive, walang mapag-iiwanan. Kaya sinusuportahan ito ng CLFI.
Subaybayan ang aming social media accounts sa Facebook at YouTube para sa aming fresh uploads every other week. Magiging jampacked at exciting palagi ang kwentuhan natin with our special guests.
Mapapakinggan ang Teachers’ Break sa Apple Podcast, Google Podcast at Spotify.