Bilang serbisyo publiko at pagsusulong ng adbokasiya nito sa Disaster Resilience, unang binuo ng Cebuana Lhuillier Foundation, Inc. (CLFI) ang Disaster Resilience Forum noong 2016. Itinatag ito para magkaroon ng plataporma ang mga dalubhasa sa industriya na makapagturo ng mga makabagong paraan ng pagpapatibay ng mga komunidad laban sa kalamidad at sakuna.
Noong 2017, ipinagpatuloy ng CLFI ang pamamahagi ng kaalaman hindi lang sa disaster risk financing, kundi maging sa mga patakaran at programa kung paano maging handa ang mga MSMEs (micro, small and medium enterprises), agrikultura, at high-risk na mga komunidad laban sa kalimidad.
Nagpasya ang CLFI na palawakin ang saklaw ng Disaster Resilience Forum at ibaba ito sa kung sino talaga ang apektado – ang mga barangay.
Noong 2018, ang forum ay tumutok sa paghikayat sa lahat na lumahok – mula sa indibidwal na Pilipino hanggang sa pamilya at komunidad – sa programa ng Disaster Resilience.
Sa gitna ng pandemya noong Agosto 2020, binuo ng CLFI ang BRX o Barangay Resilience Exchange, sa tulong ng Ashoka Foundation, Department of Interior and Local Government (DILG) at Office of Civil Defense (OCD).
Ang BRX ay isang plataporma para sa mga barangay leaders kasama ng mga goverment agencies, private sector at civil society organizations kung saan pwede silang makapagpalitan ng kaalaman, inobasyon at solusyon para maging handa at mas matatag sa pagharap at pagbangon sa mga kalamidad.
Noong ika-13 ng Oktubre 2022, kasabay ng pagdiriwang ng International Day for Disaster Risk Reduction ng United Nations General Assembly, lumahok ang mahigit 50,000 na delegado sa digital conference ng BRX na ipinalabas nang live sa Facebook at YouTube. Ang tema ng dalawang araw na online forum na ‘yon ay, “Ang Laging Handang Barangay, Mahusay.”
Ang BRX 2022 ay muling sinuportahan ng Department of Interior and Local Government (DILG) at ng Office of Civil Defense (OCD), at sumama na rin ang Department of Science and Technology (DOST).
Di-maipagkakaila na sa mga panahong ito, mas matitindi at madalas ang mga kalamidad at sakuna sa buong mundo. Nakakabahala ring malaman na nangunguna sa World Risk Report noong 2022 ang Pilipinas bilang bansang pinakalantad sa panganib dahil sa geographical location nito at madalas itong tamaan ng kalamidad.
Sa tulong ng mga dalubhasa sa Disaster Resilience, napagpasyahan ng CLFI na magpatuloy sa pamamahagi ng kaalaman at kasanayan kung paano maging handa, matatag, at alerto sa pagharap sa mga kalamidad at sakuna.
Kaya ngayong BRX 2023, ang tema ng digital conference ay, “Maging Alerto! Maghanda at Magtulungan Para sa Kaligtasan.”
Ilulunsad ng CLFI ang Alerto, isang video series tungkol sa paghahanda sa kalamidad at nagtuturo ng life-saving skills at demonstrations ng pagresponde sa panahon ng emergencies tulad ng bagyo, baha, lindol, at aksidente.
Ito ay binuo sa pakikipagtulungan ng CLFI kay Dr. Ted Esguerra, isang operational medicine instructor ng International Disaster Response Network, na magbabahagi ng kanyang kagalingan at karanasan sa rescue operations.
Ito ang mga layunin ng BRX Digital Conference: